Husband and I got my first dose of Sinovac Vaccine yesterday under A3 Category or yung may mga comorbidities. We both have hypertension kaya we secured a medical certificate before getting vaccinated.
Noong una ay ayaw ko rin magpa-vaccine. Syempre, natatakot ako dahil itong mga vaccine na ito authorized for emergency use, diba?. Biglaan at wala masyado pang nadaanang clinical trial. I also know na may side effect ang vaccine at iba-iba ang response dito ng katawan ng tao.
Pinag-isipan ko ng maigi ang desisyon ko na magpabakuna at ito ang mga dahilan kung bakit.
- The best vaccine is the vaccine that’s available at ang available ngayon ay ang Sinovac. Sa dami ng covid cases natin ngayon, aarte pa ba ako?
- . Tulong ko sa sarili ko at sa pamilya ko – kung protektado ako, protektado din sila. Isa pa, pakiramdam ko makakatulong ito sa aking peace of mind kahit papaano at mabawasan ang anxiety ko.
- Tulong ko sa mga frontliners at sa sino mang makakahalubilo ko.
- Tulong ko sa bayan natin para maabot natin ang herd immunity.
I want to be a part of the solution and not the problem.
Kahapon ay wala naman akong naramdamang side effect ng vacine. Pero ngayon ay nakaramdam na ako ng pamimigat ng braso ko kung saan ako binigyan ng vaccine. Naramdaman ko din ito nung nabakunahan ako ng anti-rabbies. This is a normal effect naman sa kahit anong vaccine.
Babalik kami sa May 6 para sa 2nd dose. Update ko kayo kung anong magiging effect ng 2nd dose.
Let us keep our hopes up. Let’s continue praying na mawala na ang Covid-19.
4 Responses
Keep safe po
Sana nga po mag karoon narin sa company nila mr ko… para safe na safe napo sya… ingat po mommy palage.
Sana talaga i provide na nang government na dapat lahat magpa vaccine para sakaling maging normal pa ang lahat. Kung safe naman sana libre.
Now I’m weighing things about covid vaccine